Monday, March 29, 2010
Bakit pa nabuhay ang tao papatayin din naman pala.
Oct.12'2009 at around 3:00 am I wake her up and tell I have to leave, its time to look another job in the city after a jobless in a year and taking care my mother with sick. I told her I look for a better job and bring him to Manila for proper medication she's been suffering illness in a long year but because of financial problem we cant afford to bring into a nice hospital".
She smile looking at me and tell "my son you take care of yourself". I smile her back and tell "Yes my mother this coming December I will see you in Manila and I will send you to hospital.
I never stop searching for a job when I'm in Manila just for the sake of my mothers medication, I found a great opportunity and I thought If have this job I can send my mother to a nice hospital and she will be cure.
Napakasama ng pagkakataon pinalad akong pumasa sa trabaho na inaplyan ko but I dont have money for medical its really bad, I need only five thousand pesos pero wala ako mautangan. Hanggang sa umabot ang time na naka accommodate na ng company ang kailanagan nilang manggagawa, binigyan pa nila ako ng chance I'm applying as first batch they give me a chance to have my medical at pede pa ako isama sa third batch lahat ng mga kasabay ko naka alis na, pero ako naghagilap pa ng pampa medical. Mahirap mag hanap ng trabaho lalo na kung walang pang gastos madaming pweding applyan pero wala kang pamasahe. Kung pwede lang sumunod sa daloy ng kuryente papunta sa trabaho na gusto mong applyan gagawin ko di lang para sa sarili ko kundi sa mga mahal ko sa buhay.
Nov.12 2009 at arround 4:00 pm nagising ako isang hangin ang humaplos sa pisngi ko at pakiramdam ko may kamay na naka haplos sa likod ko. Bumangon ako at narinig ko ang tunog ng cellphone ko' "Dong patay na sa inay ako ra usa diri mag unsa na lang ko wala ko mga igsuon diri" Ito'y isang napaka samang mensahe na natanggap ko sa araw na yon di ko alam ang naramdaman ko gusto ko umiyak di ako maka iyak ang nasa isip ko lang wala na siya.. wala na siya.. wala na siya... Hanggang umabot na ng alas singko ng umaga di ako maka tulog. Lahat ng mga kamag anak ko na malapit sa akin hiningian ko ng tulong gusto ko umuwi kahit sa huling pagkakataon makita ko ang aking pinaka mamahal na ina. Pero lahat sila katulad ko din walang pera alam ko may mga tao ng gusto akong tulungan that time sincere sila na tulungan ako pero wala din sila magawa..
That was happen four months ago.
Nagising ako ngayun dahil sa isang panaginip halos gabi gabi napanaginipan ko nanay ko, may time na umiiyak siya sa panaginip ko, may time na naka ngiti siya at my time din na di siya kumikibo naka tingin lang siya sa akin.
But this time napanaginipan ko ulit siya naka ratay siya sa banig napansin ko madami kuto sa ulo niya tinatanggal ko mga kuto sa ulo niya at tinitiris ko sa mga kuko ko yung iba binibigay ko sa kanya para siya ang tumiris napansin ko nahirapan na siya huminga nakahiga lang siya pina unan ko siya sa mga hita ko totoong totoo ang panaginip ko lahat ng detalye napaka linaw. Sinabi niya sa akin tawagin ko kapatid ko si Eric may sasabihn daw siya, kinabahan ako ayaw ko siyang iwan sa bahay sumilip ako sa labas dumidilim na wala akong makitang mga kapitbahay na nasa labas pero narinig ko ang mga kalansing ng mga plato at kutsara ng mga kapitbahay ko oras kasi ng hapunan sa panaginip ko. Nagdalawang isip akong iwan ang nanay ko pero yung pagsilip ko sa labas pakay ko sana tumawag ng kahit sino sa mga kapit bahay ko para tignan ang nanay ko, wala akong makitang tao tumakbo na lang ako papunta sa bahay ng kapatid ko nakita ko sila naghapunan nasa pinto pa lang ako humingal pa ako habang sinabi ko sa kapatid ko na hinahanap siya ng nanay ko.Tinatanong ako ng kapatid ko medyo galit pa siya kasi kumakain pa daw sila patakbo ako palayo sa bahay nila at sinabi ko "Basta sumunod ka sa akin si inay importante!".
Pag bungad ko pa lang sa pinto namin nakita ko ang nanay ko naka taob wala na siya sa hinigaan niya bago ako umalis, napansin ko medyo malapit na siya sa may bentana namin nilapitan ko siya at niyakap wala na siyang buhay humagulgol ako ng iyak habang yakap yakap ko siya at hinahaplos ang ulo niya.
Hanggang sa nagising ako ngayun at natagpuan ko na humagulogol ako ng iyak.
Ang hirap pala ang mag isa sa buhay pag binangungot ka walang gigising sau, Pagtulog mo di mo alam na patay kana pala pag gising mo nasa ibang mundo kana. bakit pa nabuhay ang tao papatayin din naman pala "LORD ANONG BUHAY ANG BINIGAY MO SA AKIN NASA TAMANG LANDAS PABA AKO ?" napaka hirap pala ang magising sa isang bangungot......Hanggang ngayun di ko pa din nakita maski puntod ng nanay ko isa siguro ito sa mga dahilan sa mga paulit-ulit kong panaginip sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment