Tuesday, September 7, 2010

Pagbabago

Isang araw sa bayan namin may itinayung bagong restaurant at yun ay Goldilocks.
Noong nag aral pa ako ng high school ang baon ko sa isang linggo ay 60 pesos, pamasahe ko sa jeep daily ay 10 pesos merun ako natitira na 10 pesos every week, inisip ko ipunin ang 10 pesos na matitira sa akin para lang maka kain sa isang napagandang kainan na unang itinayo sa aming bayan.
 Unang natikman ko sa Goldilocks ay ang napakasarap nilang cake swerte ko lang kasi may isa akong ka klase nung high school na medyo may kaya nag birthday kapatid nya at bumili sila ng cake sa Goldilocks at talagang nag dala siya ng kapirasong hiwa para maipag malaki nya din sa amin na kanyang mga ka klase..

Bilang isang  probensyano tuwang tuwa ako na nakakain ako ng ganun ka sarap na cake at pag uwi ko sa bahay namin sinabi ko sa mga kapatid ko na naka kain ako ng cake na galing Goldilocks inggit ang mga kapatid ko sana daw maka tikim din sila, lalo akong nagnasa na maka ipun ng natitira kong baon kasi malapit na ang aking graduation ng high school. Palapit na ng palapit ang aming graduation pero nalulungkot ako kasi bawat uwi ko dumadaan ako sa Goldilocks at tinitignan ko yung mga prize ng cake kaya ako nalulungkot kasi kulang pa yung naipun ko hindi kasya dun sa cake na nagustuhan kong bilhin. 3 araw bago ang aming graduation sinabi ko sa ate ko na may naipun akong pera galing sa baon ko at gusto ko bumili ng cake sa Goldilocks sa araw ng aking pagtatapus para na din maka tikim kaming mag anak ng cake tuwang tuwa ako kasi yung kapatid ko may kunti din siyang ipun kinita nya sa pagtitinda nya ng isda at sinabi nya dagdagan nya ipun ko kung magkanu ang kukulangin sa pambili ng cake.

Pagpasok ko kinabukasan masayang masaya ako kasi magkaroon ng cake sa araw ng aking pagtatapus masaya kong inanyayahan ang aking matalik na kaibigan na pumunta sa amin pagkatapus ng aming graduation dahil may kunting salu-salo. Araw na ng aming graduation kasama ko nanay ko sa venue ng aming graduation ang kapatid kong babae ay naiwan sa bahay namin at binigay ko lahat ng naipun ko sa kanya at siya na ang bahalang bumili ng cake sa Goldilocks. Pag uwi namin ng nanay ko kasama ko ang matalik kung kaibigan sabi pa ng nanay ko ano daw ipakain ko sa kaibigan ko sabi ko na lang basta si ate na ang bahala, pagdating namin sa bahay handa na ang cake sa misa at may dalawang letro pa ng softdrinks napa ngiti ang nanay ko at napatingin sa aming magkapatid at sabi niya hala kumain na tayo di pa tayo naka tikim nito ehh...

Pagbabago sa Goldilocks at sa buhay ko.

Simula noon hanggang ngayon may mga pagbabago, pagbabago na kung saan ang dulot nito ay maganda katulad ng Goldilocks 40 years na silang nag bigay ligaya at sarap sa mga mamayang Filipino ang sabi nga ni Dingdong Dantes

"Hindi ka pinoy kung di kapa naka kain sa Goldilocks" , At sa loob ng 40 years na yun napakadaming pagbabago ang naganap sa Goldilocks hindi sila natatapus lamang sa pagbigay sarap sa mga Filipino na nasa Pilipinas kundi sa ibang bansa din Katulad ng  Goldilocks USA at Goldilocks CANADA mataas na po ang narating ng Goldilocks pati mga banyagang mga dayuhan nahuhumaling sa sarap ng lutong Pinoy at proud na proud ako bilang isang Filipino.

Sa buhay ko ngayun masaya ako dahil sa pagsisikap ko kahit anong araw pwede ko na kainin ang gusto ko sa Goldilocks ng hindi ko na pag iipunan ng matagal lalo na ang paborito kong dinuguan 

Pinoy na Pinoy ang dating mapa probensya man mapa syudad oh mapa ibang bansa.
Maari din po nating malaman kung ano pa ang magandang pagbabago sa Goldilocks sa pamamagitan sa pagsunod sa kanilang Facebook fan page.

8 comments:

Anonymous said...

did readbud pay you?

quimboph1 said...

Hello readbud minimum payment is 50 dollars, as of now I have 46 dollars. I have to reach minimum of 50 to cash out I will let you inform If I got my payment, But I think readbud really pays, for my research all of it is positive comment about readbud.

Timeless Confection said...

malikhaing pagsulat.congrats!do visit my entry sometime too at kayelangit-luistro.blogspot.com.blessings!

geover regalado said...

good job bro!

quimboph1 said...

Thank you guys I wish I made it hehehhe:)

Anonymous said...

nice job jun

Anonymous said...

wow..iba talaga ang goldilocks..super sarap ang mga cakes.di mawawala ang goldilocks pg may salo salo sa bahay at sa favorite kung dinuguan sarap talaga.

Unknown said...

nice blog!

My first blog this blogs contents my personal and my daily lives. Another best in my site is you can learn a lot of things about moneymaking online.